Thursday, April 22, 2021

Powerless

 Ayon sa emotion wheel na nakadikit sa notebook ko, I feel powerless.

Gusto ko yakapin ang mga kaibigan kong nagluluksa sa pagkawala ni Popo. Gusto kong magawan ng paraan na mabago ang pag-iisip ng mga magulang ko, ng mga tao sa paligid ko, tungkol sa mga nangyayari sa lipunan. Gusto kong maging produktibo sa trabaho at pag-aaral. Pero lahat nang 'yon ay hindi ko magawa dahil sa pandemya, dahil sa init, dahil natatalo ako ng lungkot na mabigat sa pakiramdam. Yung tipong bigat na hindi nagpapagalaw sa'yo para makabangon mula sa kama. 

Powerless.

Monday, August 10, 2020

 "Pasasaan ba at magagawa ko rin ang gusto mo, pero sa ngayon, humihingi ako ng pasensya. Hindi lang para sa iyo, pero para rin sa sarili ko. Sa sarili kong hinayaan ang mahulog kahit buo ang kamalayan na magiging ganito kasakit ang paglagapak. Pasensya na, pasensya na."

Wow nabasa ko na naman 'to. Napa-inom ako ng alak dito ah.

Hello sa blog kong ito. Iba naman po ang dinadrama ko ngayon, hindi na tungkol sa pag-ibig. Pamilya naman, pati na rin bansa. 

Marami pa rin akong arte sa buhay. In short, hindi pa rin nagbabago. 

Tuesday, January 21, 2020

Hindi ko alam kung makakatulong pa itong pagsusulat na 'to sa estado ng utak ko, pero game try natin.

Nagkaroon na naman ako ng crush, na-attach at ngayong  nakaalis/paalis na siya (thing ko na ata talaga ang pagkakaroon ng gusto sa mga taong umaalis), kailangan ko nang magmove on. Puta, move on? Seryosooo? Wala namang nangyari? Ang bagal nga magreply sa mga chat mo at na-seen ka pa ng isang beses? Sa isang banda, parang may na-unlock sa akin na trip ko ang mga foreigner na may girlfriend. (By the way, additional thing ko na yata ito. Generally trip ko na yung mga alam kong di ko pwede makuha.)

1. Kailangang tanggapin na intense ang pagkakagusto mo.
2. Ihinto ang paggawa ng mga small talk sa kanya through chat.
3. Tanggapin na marami ka pang hindi nareresolbang issue sa sarili mo, at na-trigger ng crush na 'to yung iba doon.

Magkakagusto pa ba ako sa mga tao nang totoo? More importantly, maibabalik ba sa akin yung pagkakagusto na pwede kong ibigay? Hindi ko alam, nakakaurat isipin.

Pangalawang concern, pera. Puta nakakaurat magplano ng pag-iipon. Hindi bale sana kung napakalaki ng sweldo ko eh. Delayed pa nga, magdadalawang buwan na. Sobrang torn between pagiging corporate sellout na lang o pagpapatuloy pa sa mga walang kasiguruhang bagay, kagaya ng grad school.

... at 'yan, 'yang grad school na 'yan. Hindi pa naman ako sumusuko, medyo malayo pa, pero puta kelan ba ako sisipagin magsimula sa thesis. Ano ba talagang gusto ko - sa totoo lang, gusto ko ba talaga ito? Oo pa naman... ata. Iniisip ko na lang, I am in a much, much better place, environment-wise, ngayon kumpara nung 2016 - 2017.

Sa gitna ng lahat ng kaguluhan sa pagpasok ng taon - eto lang masasabi ko: Sana, sana talaga, hindi na ako lalampas ng trenta anyos. Please lang.



Tuesday, June 18, 2019

Quarter life crisis? Pshh

Eto ay isang paalala na kahit orange ang buhok mo at may sandamakmak kang itim na jelly bands sa braso na obviously nagrereflect sa kalat mong attitude noon, nakagraduate ka sa kolehiyo. Kaya kung anuman ang itsura at disposisyon mo ngayon, syur malalampasan mo rin yang quarter life crisis na kakornihan na yan, lalo pa't di na orange ang buhok mo ngayon. Oo, kausap ko sarili ko bakit ba.

Also, quarter life crisis at this age? In this economy, environment and political climate? Really?? La akong balak mabuhay ng ~100 years excuse me lang ha.


Sunday, April 14, 2019

Reminder to self: Hindi ka nabubuhay para isalba ang ibang tao

Isalba mo muna ang sarili mo, bago ka maglaan ng oras para sa ibang tao.

Unless nagpapakatanga ka kasi may feelings ka pa sa ibang tao.

In which case... move on move on din.

Hi blog whattup.

Monday, November 26, 2018

Ang dami kong feelingssssssssssssssssssssssssssssss. Ano ba 'tong emotional constipation na ito gusto ko umiyak, sumigaw, uminom nang marami, at kung anu-ano pa pero pagod katawan ko kahit wala naman ako talagang ginagawa sa trabaho at ang dami kong kailangang gawing papel at nakakapagod na kumausap sa mga taong hindi naman nakikinig at wala naman talagang tunay na nagmamahal sa akin ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Sunday, October 21, 2018

1. Lamon na lamon muli ng emosyon at pag-iisip. Ayoko na, ayoko na.

2. Baka dulot na rin ng lahat ng naramdaman ko nitong mga nakaraang buwan - feeling ko nagkaextra sense ako ng self awareness. Iba rin yung mga nahuhugot na realizations na dala ng kalungkutan eh. Bilang tumaas na naman ang lebel ng intindi ko sa sarili, I feel like nacoconfirm ko na na magiging single ako forever. And honestly, oks lang.

3. Sa pangalawang pagkakataon, ang tagal ko na naman pong mag-move on. Pangatlo pa, confirmed na. Three trials tayo dito eh.

4. Naglipat na naman ako ng trabaho. Sa totoo lang, nakakapagod nang makipagkilala sa mga tao. Gets ko na yung the more people you let in your life, the more people can get out drama. Do not get attached. I repeat, do not get attached.

5. "Wala na akong pake basta bahala na." Kakapit na lang ako ulit sa mga katagang 'yan. Timeless po ang lyrics ng Jadine, I swear.

6. Araw-araw kong hinihiling na magkaroon ng paraan para ifastforward lahat ng nararamdaman ko, partikular na sa'yong putang ina ka bakit ba tayo nag-uusap hanggang ngayon eh dalawang beses mo na nga ako cinlosure; pero deh, walang fastforward ang life. Puta wala ba talaga??? Tiis tiis na lang??? Stay strength, people. Stay strength.

7. Tanong lang sa mga taong (dalawang beses) cinlosure ng mga tao na hindi naman kayo jinowa - dapat ba talaga sumasagot pa ako sa mga mensahe nya? Kinakaya ko naman, pero guuurl ikina-strong ko ba ito or ikina-rupok. Either way, tangina ko kasi gagawin ko pa rin naman gusto ko.