Wednesday, November 20, 2013

Ang buhay ay parang bato. It's hard.

I know, sobrang innovative ng title ng post na ito. I kinda spent a minute on it just to make it sound right.

May mga sandali talaga na mapapatigil ka ng ilang minuto para lang ipaalala sa sarili mo lahat ng kagaguhang nararamdaman at ginagawa mo ngayon. Tipong hearbroken ka na nga dahil hindi ka crush ng crush mo, tapos may crush pa siyang iba. Kahit may mga oras pa rin na feeling mo ispesyal ka para sa kanya, patuloy mong ipapaalala sa sarili mo na magkaibigan lang kayo. Nakakaawa at masakit at the same time. Idagdag pa diyan ang walang katapusang pagtambak ng trabaho left, right and center. Tapos minsan, yung mga simpleng kamalasan tulad ng pag-ayaw ng cellphone mong mag-alarm isang umaga. Okay lang sana kung ang tanging consequence lang nun ay malalate ka sa klase, but wait there's more - zero na ang paper report na pinaghirapan mong tapusin, naka-miss ka ng isang quiz at zero pa ang lab performance mo on that day. At ang pinakahuli, ang college course crisis na tatlong taon mo nang pinagdadaanan. Hanggang ngayon, sa tuwing maririnig mo ang katagang "shift," nanginginig pa rin ang kalamnan mo kasabay ng pag-blackout ng iyong pag-iisip. Joke lang, ang OA na.

Pagkatapos mong mag-reflect sa mga kamaliang nagaganap sa buhay mo, mapag-dedesisyunan mong isulat siya sa blog mo. Tapos itatanong mo sa sarili mo, "so, anong nagawa ng pagsusulat kong ito?" Alam na alam mo sa sarili mo na ang sagot ay wala. Kasi pagkatapos nito, heartbroken ka pa rin, malas ka pa rin, at makikita mo pa rin sa files mo ang nga hindi tapos na reports, poster design, event proposal, schedule of meetings at exams.

So anong magandang solusyon? Pakamatay na! Hindi ka naman magiging kawalan sa mahigit na anim na bilyong taong naglalakad sa mundong ibabaw ngayon. CHERET. Biro lang, excuse me I'm more than this. Istrong ako.

Saturday, November 9, 2013

Hay second sem

I let out a heavy sigh after seeing another Form 5 printed with my name on it. The paper signified that I am yet to endure another semester of heavy workload from various sources, that my break was over, that I should start working for things to happen, that I should be using this semester to offset the academic horrors that I incurred last semester, etc.

I can hear people say to me: "Maswerte ka nga't nakakapag-aral ka, yung iba gustung-gustong pumasok ng kolehiyo, ikaw ikinalulungkot mo." My reply would be: "Maswerte nga yung iba na hindi nag-aaral, may mga gustong gawin yun pero hindi pwede." My point here is everything is relative. We are all struggling to hurdle whatever constraint binds us, and comparing our struggles shouldn't be done solely because, again, everything is relative. There is no way to quantify struggle.

Ang labo at ang douche-y ng dating. Ang punto lang naman eh wala pa ako sa mood pumasok. But then again, time won't wait for me to get ready, so I have to wake up at 5:30am every Tuesdays and Thursdays just to get to lab on time.

Para kanino ba ako babangon this sem?

Para sa mga klase ko, para sa council, para sa Chemsoc.

Nakakatawa, pero para rin sa kanila ako napupuyat. Minsan nga, wala nang pagbangon na nagaganap kasi wala na ring pagtulog na nagaganap. Pero ano pa bang magagawa ko, ito na ang buhay ko. Ilang taon na lang naman, malilibre na ako sa mga responsibilidad na ito. Na-enjoy ko naman na sila (maliban sa acads) ng ilang buwan. <3

---------------------
On other news, nakakaawa na talaga ang Pilipinas. Lindol, kurakot na mga politiko, ignoranteng mga mamamayan, at ngayon, kagaya pa ng ibang mga taon, bagyo. At hindi lang basta bagyo, isa sa mga pinakamalakas na bagyo na dumapo sa planeta.

My heart goes out to those who were affected by the gigantic typhoon.