Nakakainggit din minsan yung mga taong siguradong-sigurado sa gusto nila. 'Yung tipong kapag tinanong mo sila ng "o, ano ba plano mo sa buhay?" sasagutin ka nila nang sobrang detalyado, na parang sila mismo ay ang tadhana na nagkatawang-tao.
Pero kung iisipin, mas malaki ang taya ng mga ganyang tao. Pwede kasing dumating ang pagkakataon na ipapaalala ng buhay sa kanila na: "hep hep, teka bata, hindi mo kontrolado ang takbo ng buhay mo; idadapa kita, pero sikreto muna na kapag nakabangon ka, maaalala mo pa 'yang mga pangarap mo." Mas masakit 'yan kasi all-in ka eh. Pero ano bang alam ko sa buhay. 'Di nga tayo sure kung may nagkokontrol ba talaga eh, o tayo-tayo lang naman pala ang nandito. 'Yang buhay na 'yan, jusko napakalabo. Parang pag-ibig. WAW
Actually nag-iisip lang ako kung may bata o teenager man lang na minsan naisip nila na "gusto ko pagka-graduate ko, maging chemist - yung araw-araw pare-parehas lang ang ginagawa." Tapos sasabihin ko,"ahh oo yung QA/QC na chemist. Suportahan kita diyan beh." Para siya na lang 'yung may ganyang pangarap, hindi na kailangang madamay ang iba.
Saturday, January 9, 2016
Monday, January 4, 2016
Mga suri at danas ng isang (hindi na masyadong) fresh grad sa kanyang unang pagsakay sa MRT, habang rush hour
December 3, 2015
Sa Pilipinas, hindi na masyadong kailangan ng MRT ng maraming introduksyon. Para na siyang si Kris Aquino - maingay, madalas nasa mga pahayagan at telebisyon, madalas kinaiinisan ng Pilipinas, pero nandyan pa rin. Kaya naman hindi na ako nagulat nang hindi ako binigo ng MRT habang rush hour - kung anuman ang mga expectations at inaasahan kong makita, binigay niya, may sobra pa. #2015Highlight.
Bale ito na naman ang isa sa mga walang kwenta kong listahan sa blog na 'to, MRT-inspired
1) Sinimulan ko ang araw na 'yon sa pagti-tweet ng: "diyos ng mga first timers sa mrt during rush hour... help." And boy, did that tweet help. Yung pang-anim na tren na dumating sa harap ko ay halos walang laman. Sa pagkakataon din na iyon, naniwala ako sa Diyos ng mga First Timers sa MRT.

2) Isa sa mga pinakanakakabwisit na sign board na nakita ko sa buong buhay ko ay 'yung "NO PUSHING" signs sa loob ng istasyon ng MRT. Hindi ko talaga naiintindihan yung gustong iparating nilang mensahe. Baka ineexpect nila na makakapag-"arms forward raise" ang mga tao?? O 'di kaya itataas ng lahat ang mga kamay nila para maiwasan ang pagtutulakan?? Help??
3) Kung isa akong promdi na sanay sa malalawak na bukirin at unang beses kong mararanasan ang ganung klaseng pagtutulukan... putangina ieempake ko ulet lahat ng damit ko sa tampipi at magsasaka na lang ulit. Pero syempre babalik pa rin ako 'cos I'm strong.
4) Sa totoo lang, hirap na hirap akong gumawa ng konkretong paglalarawan ng mga nakita ko nung araw na iyon. Ang nabuo ko na lang talaga sa utak ko ay ang paghahalintulad ng larong Tetris sa pagsakay sa MRT. Pero imbis na dahan-dahang nalalaglag ang puzzle pieces, nagtutulakan sila. Tiaka walang naki-clear na row kapag puno na.
5) Sinubukan ko ring lagyan ng persona ang mga tren. Kapag nilagyan mo sila ng boses, iire lang sila nang malakas, tapos magmumura sa pagitan ng bawat pagsigaw.
Sayang, ang dami ko nang nakalimutan na ideya sa mahigit isang oras kong paghihintay sa MRT Cubao Station noong araw na 'yon. Bawat lingon kasi habang nakapila, maaari kang makabuo ng istorya. Next time, magdadala na ako lagi ng notepad.
Ang sarap sarap gawing politikal ng post na ito, pero wala kasi sa tamang wisyo ang utak ko ngayon kaya ititigil ko na rito ang pagsusulat. Tatapusin ko na lang siguro 'to sa isang maikling mensahe para sa gobyerno: "Tang ina mga beh anek na."
Sunday, January 3, 2016
Wala, matigas talaga ulo ko eh
As if hindi pa sapat na validation yung ilang taon na pagbubunganga at pagpapagalit ng magulang ko sa akin, ngayon, tinatanggap ko na: matigas nga talaga ang ulo ko. Kaya siguro mas trip ko talaga para sa akin ang mahabang buhok eh. Wala lang, gusto ko lang i-konek 'yon.
Pagkatapos ng ilang interviews na pinuntahan at hindi pinuntahan, dalawang trabaho na tinanggihan at ilang oras na pagtingin sa Jobstreet kung meron bang mapupusuang pag-aapplyan - humantong din ako sa paghihintay ng tawag sa pinakaunang trabahong pinasahan ko ng application form. Mind you, naghihintay pa lang ako ng interview, hindi pa job offer mismo. Unang sabak ko pa lang sa mundo ng paghahanap ng trabaho, nabiktima kagad ako ng inefficiency ng gobyerno. Apat na buwan para sa hiring process, at ang tanging nagawa ko lang ay makakuha ng exam na halos di ko rin naman kayang sagutan.
Sa isip-isip ko kasi, hindi pa sapat na senyales yung hirap ng exam na kinuha ko tiaka yung pagkakaroon ng work experience ng ilan sa mga nakasabay kong mag-apply para matantiya ko kung matatanggap ba ako sa DENR. Sa isip-isip ko, eh baka may laban pa rin naman ang fresh grad na kagaya ko, ibibida ko na lang yung eskwelahan na pinanggalingan ko, pati 'yung extracurriculars ko siguro. Kaya ayun, nasabi lang nung babae galing sa HR ng DENR na iinterview-hin din naman pala lahat ng nag-exam, binitawan ko agad yung job offers na meron ako.
In short, i-binase ko sa hopia ang unang hakbang ko para sa karera ko. So far, kinakaya ko pa naman ang unang pagsubok sa prinsipyo at idealismo ko. Eh sa gusto ko eh.

Subscribe to:
Comments (Atom)