Tuesday, October 31, 2017

Sometimes I get reminded of how shit I felt late last year to early this year.

Luckily, I'm feeling better now.

Monday, September 25, 2017

Para lang sa kaalaman ng blog na ito...

... Oo, buhay pa ako. Still alive, but not really kicking. Pero!!! Buhay.

Ilang pagbabago sa buhay ko nitong nakaraang dalawang buwan or so:

1. Umalis na ako sa Ginebra! (Cue palakpakan at hiyawan ng imaginary audience ko.)

2. "Nagtatrabaho" na ulit ako, ngayon bilang kontraktwal na kawani ng gobyerno. (Technically speaking, hindi naman talaga ako government employee. Pero continue...) Chemist ulit, pero sa BFAR naman. From alak to isda. What a transition.

3. "Nag-aaral" ulit ako, ngayon bilang graduate student ng Environmental Science. (Aral? Ulit? Totoo ba? As if hinusayan yung pagiging estudyante dati? Dun tayo sa totoo beh...)

4. Quotation marks para sa naunang dalawang punto kasi pinag-iisipan ko pa talaga kung qualified as pagtatrabaho at pag-aaral ang ginagawa ko. Pero continue...

5. Nag-enroll ako sa isang malapit na gym at nagtitiyagang bunuin yung isa't kalahating oras na pahirap ng trainer ko, tatlong beses sa isang linggo. Minsan, sinabi ng trainer ko na sumusuko raw ako agad kapag nahihirapan. Nung oras na iyon, gusto ko lang siyang tsekan kasi, wala, tama siya eh. Nyahahahay.

6. At ang pinakamalupet na pagbabago -- 'yung patuloy na pangengwestyon ng mga life decisions at pagmuni-muni sa mga pangarap na mukhang di matutupad, pero, and, I repeat, in bold and italicized characters -- pero: with! less! drama! and! stress! Improving na po ako, mga kaibigan. Salamat, salamat.

Tapos syempre, may ilang realizations din ako nitong nakaraang dalawang buwan or so:

1. Ang liit ng sweldo ko haixt. (Hindi talaga 'to realization pero kailangan ko na talagang unahing isulat ito)

2. Mas mahina pa ako sa inaakala ko physically. Kafrustrate yung binabawasan yung timbang ng binubuhat ko kasi hindi na maipinta yung mukha ko kapag nagbubuhat. As in 'yung mukhang pang-banyo. Sooobrang weakshit ko kabwiset.

3. Mahina talaga ako emotionally. Matagal naman na 'tong realization na ito. Pero continue...

4. Iba rin talaga yung nagagawa ng tropa tropa chill chill na trabaho. Wala na akong nararamdamang pagkabanas kapag gumigising sa umaga bago pumasok. 'Yung tipong, "pakingshet ayoko pumasok sa trabaho huhu." Ngayon, wala na lang talaga akong nararamdaman at all.

5. Marami palang oras sa isang araw, basta huwag lang kakainin ng overtime at pagrereklamo sa mga kasamahan tungkol sa trabaho haha.

6. Totoong ma-aappreciate mo lang yung mga positibong aspeto ng isang bagay kapag wala na sa iyo ito. Pero more importantly, ma-aappreciate mo kung bakit mo nagawang bitawan yung bagay na 'yun. Mari-realize mong marami pang ibang bagay na maaaring higit pa ang halaga kaysa sa binitawan mo. Kaya bitawan niyo na lahat ng meron kayo #NoToCommitment chos.

Sunday, July 16, 2017

Kailangan ko lang ng ibang venue para sa sorrowz ko

EVERY FUKING MINUTE NA LANG BA, SELF??? ANO BANG DAPAT KONG GAWIN PARA MATAHIMIK AKO??

GUSTO KO LANG NAMAN MAGKAMASTER'S, MAG-ARAL SA IBANG BANSA, MAGTRABAHO NA MAY MALAKING SWELDO, MAGING BOSS, MAKATULONG SA KAPWA, MAKATULONG SA PAGBABAGO SA GOBYERNO, E PUTANGINA ANG DAMI KO KASING GUSTO EH KAYA DI AKO MATAHIMIK.

TAPOS PARANG WALANG UMAAYON SA KAHIT ANONG GUSTO KO HAHAHAHA HIRAP NG DAMING PANGARAP PUTAAAAAAAAAA

Sunday, March 12, 2017

Mini-breakdowns during Sunday afternoons are a thing right? Riiiiight?

Sunday, March 5, 2017

What if we stop expecting so much from life, that you being principled does not mean shit to this world because in the end, society won't change overnight to fit whatever ideals you have right? Right???? Just... just... go on make some money, get caught in the system, help preserve the current norm. It's much easier.

Sunday, February 5, 2017

#fml

"Ako ba ang may dahilan kung bakit miserable ang paningin ko sa buhay ko ngayon? Kailangan ko bang magbago?"

At sa malayong distansya, may sumigaw nang malakas, tila siguradong-sigurado sa mga salitang binitawan niya na para bang matagal na niyang sinusubaybayan ang buhay ko bago ko pa bigkasin ang mga katanungang iyon.

"OO, OA MO NA TANGA!!"

Pagkarinig ko ng mga salitang iyon, bigla akong napatahimik at nag-isip...

"Deh hindi ako malas lang talaga ako sa buhay tangina ng buhay pls lorde ayusin mo na buhay ko I hate myself patayin niyo na ako. #ugh #fml"


Sunday, January 22, 2017

Happy New Year!

Kanina namili (wow akala mo ang daming pera pambili) ako ng damit para pamasok sa trabaho. Luma na yung mga damit ko (read: ang laki na kasi ng tiyan ko.) Ang galing lang na sa simpleng pamimili ng damit, napapalungkot ka, on two levels pa:

1. Makikita mo ang katawan mo up close sa salamin ng fitting room.
2. Makikita mo yung mga damit na gusto mo pero di mo kayang bilhin kasi mahal.

Hahahaha ang arte pero medyo totoo. Hay jusko adulting (lol at this word)