... Oo, buhay pa ako. Still alive, but not really kicking. Pero!!! Buhay.
Ilang pagbabago sa buhay ko nitong nakaraang dalawang buwan or so:
1. Umalis na ako sa Ginebra! (Cue palakpakan at hiyawan ng imaginary audience ko.)
2. "Nagtatrabaho" na ulit ako, ngayon bilang kontraktwal na kawani ng gobyerno. (Technically speaking, hindi naman talaga ako government employee. Pero continue...) Chemist ulit, pero sa BFAR naman. From alak to isda. What a transition.
3. "Nag-aaral" ulit ako, ngayon bilang graduate student ng Environmental Science. (Aral? Ulit? Totoo ba? As if hinusayan yung pagiging estudyante dati? Dun tayo sa totoo beh...)
4. Quotation marks para sa naunang dalawang punto kasi pinag-iisipan ko pa talaga kung qualified as pagtatrabaho at pag-aaral ang ginagawa ko. Pero continue...
5. Nag-enroll ako sa isang malapit na gym at nagtitiyagang bunuin yung isa't kalahating oras na pahirap ng trainer ko, tatlong beses sa isang linggo. Minsan, sinabi ng trainer ko na sumusuko raw ako agad kapag nahihirapan. Nung oras na iyon, gusto ko lang siyang tsekan kasi, wala, tama siya eh. Nyahahahay.
6. At ang pinakamalupet na pagbabago -- 'yung patuloy na pangengwestyon ng mga life decisions at pagmuni-muni sa mga pangarap na mukhang di matutupad, pero, and, I repeat, in bold and italicized characters -- pero: with! less! drama! and! stress! Improving na po ako, mga kaibigan. Salamat, salamat.
Tapos syempre, may ilang realizations din ako nitong nakaraang dalawang buwan or so:
1. Ang liit ng sweldo ko haixt. (Hindi talaga 'to realization pero kailangan ko na talagang unahing isulat ito)
2. Mas mahina pa ako sa inaakala ko physically. Kafrustrate yung binabawasan yung timbang ng binubuhat ko kasi hindi na maipinta yung mukha ko kapag nagbubuhat. As in 'yung mukhang pang-banyo. Sooobrang weakshit ko kabwiset.
3. Mahina talaga ako emotionally. Matagal naman na 'tong realization na ito. Pero continue...
4. Iba rin talaga yung nagagawa ng tropa tropa chill chill na trabaho. Wala na akong nararamdamang pagkabanas kapag gumigising sa umaga bago pumasok. 'Yung tipong, "pakingshet ayoko pumasok sa trabaho huhu." Ngayon, wala na lang talaga akong nararamdaman at all.
5. Marami palang oras sa isang araw, basta huwag lang kakainin ng overtime at pagrereklamo sa mga kasamahan tungkol sa trabaho haha.
6. Totoong ma-aappreciate mo lang yung mga positibong aspeto ng isang bagay kapag wala na sa iyo ito. Pero more importantly, ma-aappreciate mo kung bakit mo nagawang bitawan yung bagay na 'yun. Mari-realize mong marami pang ibang bagay na maaaring higit pa ang halaga kaysa sa binitawan mo. Kaya bitawan niyo na lahat ng meron kayo #NoToCommitment chos.
No comments:
Post a Comment