Monday, November 26, 2018

Ang dami kong feelingssssssssssssssssssssssssssssss. Ano ba 'tong emotional constipation na ito gusto ko umiyak, sumigaw, uminom nang marami, at kung anu-ano pa pero pagod katawan ko kahit wala naman ako talagang ginagawa sa trabaho at ang dami kong kailangang gawing papel at nakakapagod na kumausap sa mga taong hindi naman nakikinig at wala naman talagang tunay na nagmamahal sa akin ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Sunday, October 21, 2018

1. Lamon na lamon muli ng emosyon at pag-iisip. Ayoko na, ayoko na.

2. Baka dulot na rin ng lahat ng naramdaman ko nitong mga nakaraang buwan - feeling ko nagkaextra sense ako ng self awareness. Iba rin yung mga nahuhugot na realizations na dala ng kalungkutan eh. Bilang tumaas na naman ang lebel ng intindi ko sa sarili, I feel like nacoconfirm ko na na magiging single ako forever. And honestly, oks lang.

3. Sa pangalawang pagkakataon, ang tagal ko na naman pong mag-move on. Pangatlo pa, confirmed na. Three trials tayo dito eh.

4. Naglipat na naman ako ng trabaho. Sa totoo lang, nakakapagod nang makipagkilala sa mga tao. Gets ko na yung the more people you let in your life, the more people can get out drama. Do not get attached. I repeat, do not get attached.

5. "Wala na akong pake basta bahala na." Kakapit na lang ako ulit sa mga katagang 'yan. Timeless po ang lyrics ng Jadine, I swear.

6. Araw-araw kong hinihiling na magkaroon ng paraan para ifastforward lahat ng nararamdaman ko, partikular na sa'yong putang ina ka bakit ba tayo nag-uusap hanggang ngayon eh dalawang beses mo na nga ako cinlosure; pero deh, walang fastforward ang life. Puta wala ba talaga??? Tiis tiis na lang??? Stay strength, people. Stay strength.

7. Tanong lang sa mga taong (dalawang beses) cinlosure ng mga tao na hindi naman kayo jinowa - dapat ba talaga sumasagot pa ako sa mga mensahe nya? Kinakaya ko naman, pero guuurl ikina-strong ko ba ito or ikina-rupok. Either way, tangina ko kasi gagawin ko pa rin naman gusto ko.

Sunday, September 16, 2018

I miss you. Sobra. At wala akong magawa.

Monday, September 3, 2018

Ayoko na

Tangina please, patakasin niyo na ako sa kalungkutang ito. Pagod na pagod na po. Suko na, suko na.

Friday, August 3, 2018

Arte post

Tangina nakibreakdown talaga ang balat ko kasabay ng mga emotional breakdown ko nitong mga nakaraang linggo. I can't even

Friday, July 13, 2018

I fucking miss you

Monday, July 9, 2018

Pasensya

Pasensya ka na, hindi pa kita mapakawalan sa isip ko. Ilang beses mo nang sinubok na sabihin na tapos na, kailangan na nating lumakad papalayo mula sa isa't-isa -  at pangako, ginagawa ko lahat ng makakaya ko. Dalawang buwan lang naman tayo nagsama diba? Hindi dapat ganito kahirap ang pagkalas. Pero para sa mga katulad ko, sapat na pala ang dalawang buwan para kumapit nang mahigpit sa kung anumang mga pakiramdam na nabuo sa maikling panahon na iyon. Pasasaan ba at magagawa ko rin ang gusto mo, pero sa ngayon, humihingi ako ng pasensya. Hindi lang para sa iyo, pero para rin sa sarili ko. Sa sarili kong hinayaan ang mahulog kahit buo ang kamalayan na magiging ganito kasakit ang paglagapak. Pasensya na, pasensya na.


Sunday, May 27, 2018

Perpetually unsatisfird, perpetually bitin, saktong empty. Kelan ako sasaya? Abangan.

Wednesday, May 2, 2018

Delikado

Delikado na may pinatutunguhan 'tong eksperimento ko. Bakit sa tuwing sasabihin ko na 'yon, pakiramdam ko hindi ko dapat itinuloy sabihin pagkatapos? Pero bago ko naman sabihin 'yun parang sigurado ako at namumula-mula pa. Labo mo gago

Pero, delikado 'tong ginagawa ko. Sana sa pagkakataong ito, mas mature na ako hahahaha

//Bawal na kasi i-tweet, finafollow niya na ako hahahay

Monday, April 16, 2018

Para sa sarili ko: Try mo naman maging positibo sometimes

Minsan talaga, yung mga maliliit na bagay ang nakapagpapayapa sa utak ng isang tao. Iba yung pagkakalma na nagawa ng ilang rounds ng pagtakbo, pagkain ng fishball, kikiam, kwek-kwek, hotdog sandwich at mais (in that particular order) at pakikipaglaro sa pusang kalye na biglang tumabi sa sa'yo.

Oo, di mo pa rin naiaangat 'yang self-esteem na 'yan, hindi ka pa rin palagay sa kung nasaan ka man ngayon, hindi mo pa rin magawa 'yung mga bagay na kinatatakutan mo at higit sa lahat, hindi mo na naiintindihan at napoproseso lahat ng nararamdaman mo - pero sa kabila ng lahat ng pangamba na ito, okey na okey ka pa rin naman. Hayaan mo lang maramdaman lahat ng kashitan na 'yan, sigurado may ipambabawi ka rin. Kung kailan at paano, bahala na, basta, magagawan mo 'yan ng paraan. Sa ngayon, shit ka. Pasasaan ba't magiging utot ka na lang. Baby steps.

Wednesday, January 10, 2018

Another millennial rant omg kelan ba matatapos ang quarter life crisis na ito I wanna move on to the next crisis

1. Parang biglang andaming nakakatempt na bagay na naghihintay lang gawin pumasok lang ang 2018 jusko. Sobrang foreseeable naman ng mga maaring resulta - pili na lang ako sa mas magkakagulo ang utak ko (may igugulo pa ba??), pag-usbong ng sobrang awkward na sitwasyon (pwede bang ikaw na lang yung biglang pumansin sa akin para di ako matempt gumawa ng sobrang awkward na small talk super not my thing) at pagpapahirap sa sarili. Gusto ko na lang itago ang sarili ko sa isang sulok pls

2. Ayoko na bakit ang dami kong feelings and at the same time ang empty empty ng pakiramdam ko what is this emotional puberty stage I am so not up for it please

3. Universe penge namang konting sign diyan sa kung anong direksyon ang dapat tahakin sa life as in kahit ano ibigay mo mula sa stars hanggang tae sa isang kanto go lang basta magegets ko yung simbolismo please I am so lost nakakatempt bumalik sa yosi gabi-gabi (eto pa ang isang temptation!!!). Alam ko hiling 'to ng bawat millennial na buhay ngayon pero pwede ba i-una mo ako sa pila ng bibigyan mo ng direksyon. Max na yung mga two weeks from now

End rant na po Happy New Year to dis blog. So far from college to now maraming nagbago pero at the same time parang wala masyadong nagbago. Do you feel me?? Do you?? Please feel it