May mga umaga na pinipili mong di makatulog dahil sa kakaisip ng mga tattoo na nakita mo nung mga nakaraang araw, o di kaya yung bedazzled na tipaklong na napanaginipan mo isang gabi. Tinetesting mo rin kung magpapalit pa rin ba ng araw kahit hindi ka pa gumagawa ng tulog - pero shet makikita mo, 1:33AM na at mukhang hindi talaga napipigilan ang oras. Kaya sige na, ihinto mo na 'tong pagsusulat na ito, wala naman din itong macocontribute sa literatura sa Pilipinas, or sa kahit ano wtf anong inaakala mo magaling ka ba magsulat.
Tangina nagpopost ka pa rin sa blog na ito? Ano ba diyosko 2016 na iwan mo na yang feeling-writer drama mo sa college. Tulog na boy