Sunday, December 25, 2016

Alas otso, bumaba ako mula sa pagkakakulong ko sa kwarto para ihanda ang aking hapunan. Kung nasa Pilipinas ako nito, siguradong halos mahihimatay na ako sa gutom sa kakahintay ng kakainin pagsapit ng alas dose. Ngayon, ang pagkain ko ay instant pesto - 'yung mga microwaveable meals na dinisenyo para sa mga taong namumuhay mag-isa at tamad magluto. Naisip kong magpost ng litrato 'nun sa twitter kanina, pero masyado nang nakakalungkot at nakakaawa ang sitwasyon ko rito para idocument pa online kaya huwag na lang.

Isang stick lang ng yosi ulit, sabi ko sa sarili ko. Naka-isa na ako kaninang hapon, pero ano ba naman ang magdagdag ng isa pa sa araw na sobrang shit sa pakiramdam diba? 

Kung totoo naman na nananadya ang pagkakataon, aba tangina naman sobra na yata. Kahit lamig ng hangin dito hindi man lang ibinigay sa akin para makaramdam ng kakaunting diwa ng Pasko. Sobrang negatibo na ng pananaw ko sa ilang aspeto ng buhay ko ngayong taon, kaya siguro tinodo na ng universe at pinatapon niya ako sa lugar kung saan magkasabay mong kekwestyunin ang mga choices mo sa buhay at competency mo bilang empleyado. 

Hindi ko na alam kung saan pupunta pa itong post na ito, kaya tatapusin ko na lang dito. Maligayang Pasko.

Sunday, November 20, 2016

As I'm writing this, me and my workmate are traversing the long road leading to Kanchanaburi in Thailand. We just finished a pretty grueling day inspecting tanks, and for tired bodies a three-hour drive seems to take forever to end.

I've been feeling a little down for a few months already, not exactly knowing why. More than just being exhausted with work, I feel like just choosing to go with whatever life has handed me the past years isn't really taking me anywhere. Going with the flow does get tiresome eventually, even though you aren't really peddling. 

I'd like to make my own waves someday; the thing is, I don't have any idea how.

Monday, October 17, 2016

Nonsense at 1:33AM, kasi sa totoo lang, may sense ba talaga ang mga bagay kapag ganitong oras

May mga umaga na pinipili mong di makatulog dahil sa kakaisip ng mga tattoo na nakita mo nung mga nakaraang araw, o di kaya yung bedazzled na tipaklong na napanaginipan mo isang gabi. Tinetesting mo rin kung magpapalit pa rin ba ng araw kahit hindi ka pa gumagawa ng tulog - pero shet makikita mo, 1:33AM na at mukhang hindi talaga napipigilan ang oras. Kaya sige na, ihinto mo na 'tong pagsusulat na ito, wala naman din itong macocontribute sa literatura sa Pilipinas, or sa kahit ano wtf anong inaakala mo magaling ka ba magsulat.

Tangina nagpopost ka pa rin sa blog na ito? Ano ba diyosko 2016 na iwan mo na yang feeling-writer drama mo sa college. Tulog na boy

Monday, August 29, 2016


*credits to the author of this book, the name of whom I forgot hehe

Saturday, August 20, 2016

Millennial things

Gusto ko na lang magtrabaho abroad.

*****

Manila traffic on a friday night is da bomb.

*****

Bubuti rin yang sitwasyon mo, anim na buwan ka pa lang naman. Ayan, ang dami mo na tuloy puting buhok.

*****

Nakakapagod maging millennial. In fact, ayoko na.

Stop thinking that the whole world is ahead of you. It's just the world - expecting no one, punishing no one, rewarding no one. We are just in it, and that's it. Quit romanticizing success and opportunities and whatnot. Things happen because they happen; yes, they teach you lessons but they are not for teaching lessons. They happen not because they are bound to lead to other things that will make you think that it happened precisely for that reason; they. just. happen.

Sunday, July 31, 2016

Nasan na ba ako sa buhay

1. Eto, nagbabalak bumili ng vape. Hindi pa kaya ng pride (at pera ko) bumili, pero masarap pala sya kids. Try niyo, dali.

2. Eto, nagpautang ng 4k sa kapatid ko. Higit sa pagiging shunga niya, mas nangingibabaw yung amazement ko na wow, kaya ko na magpautang ng 4k.


3. Eto, namamatay pa rin sa trabaho.

That's it pansit.

Saturday, May 21, 2016

Minsan, kekwestyunin mo ang buhay gaya na lang ng pangengwestyon mo sa sarili mo kapag hindi mo naaabutang nagsasakay ang tren ng LRT. Sana ba, hindi ka na lang nagtali ng sintas ng sapatos para masaktuhan mo yung pagdating ng tren? Kung naglakad ka ba nang mas mabilis maseswertehan mo ang saktong pagdating ng tren pag-apak mo sa tabi ng riles? Pero ganun talaga, naiiwanan ka eh.

Meron namang mgaa natatanging gabi na magpapasalamat ka kung sa kaninong nilalang dahil maaabutan mo ang huling biyahe ng LRT para sa araw na iyon. Wew, buti na lang pala, nagmadali kang maglakad


Sayang nga lang dahil mabibilang lang sa daliri ng kamay ang mga ganitong pagkakataon.

Wuw Justin commute lang 'yan huy

Sunday, May 1, 2016

Alam mo yung pakiramdam na sana, hindi lang isang beses sa isang linggo ka umiinom ng alak kung hindi gabi-gabi? Kebs na sa pagtaas ng tiyansang magkaroon ka ng kombinasyon ng stomach, liver at lung cancer. Alam mo ba yun? Alam mo ba? Baka hindi. Kasi tangina, cancer 'yan e.

Sunday, April 3, 2016

Work-life balance

Today, I went out just to buy earphones but then I came out of the department store with some pair of socks and a bracelet in tow. Then I went to Taco Bell and ordered a burrito. I accidentally spilled water on my pants because, i don't know, papansin siguro ako.

The end.

Ito na 'yun. Walang climax, walang moral lesson, walang anything. Ito na yung life part sa work-life balance ko after such a fucking frustrating work week. Buti na lang hindi ako naiyak sa loob ng Taco Bell nung natapon yung tubig ko habang sumisigaw ng "WHAT AM I DOING WITH MY LIFE!!!!!!!!!??????!!!!!!!!11" Thank you, self.

Sunday, March 27, 2016

*whispers "Monday na bukas..."

Cue intense overacting wailing and walling, yung pang-OA ng taon.

Sunday, March 13, 2016

Hindi ako Comm 3 teacher, pero eto ay lesson para sa pakikipag-usap sa kapwa: matutong pumili ng angkop na salita

Kanina, sa Jollibee na medyo punuan:

Babae: "Iho, may ka-partner ka ba diyan (sa table)?"
Ako: "Wala po. :)"
Babae: "Share na lang tayo ha (sa table)"
Ako: "Sige po. :)"
Ako, deep inside: "Tangina naman 'nay, 'partner' agad ang tanong? Hindi ba pwedeng 'kasama' muna?? Alam ko naman ang tinutukoy mo, at hindi rin naman magbabago ang sagot ko, pero pumili ka naman ng mas naaayon na salita. Nakaka-offend eh."

Tapos inubos ko yung hot and spicy chickenjoy ko bago pa siya makabalik sa table namin.

The end.

Saturday, March 12, 2016

So, ano ngayon? Anong point nito? Anong point nyan? Lahat ng ito para lang diyan?

Sa totoo lang, nag-eenjoy (pa) ako sa trabaho pero para kasing hindi ko napapangatawanan yung pagiging iskolar ng bayan ko mula sa UP. Oo, nakakaumay pakinggan mula sa isang idealistiko at maprinsipyo (pa) na bata, pero nakakafrustrate intindihin. Pero ano nga bang laban ng isang ako sa realidad, diba?

Sunday, February 28, 2016

Unang walong araw ng trabaho, independence at finally, maturity (WAW)

1. Masyado akong sinanay ng UP na okey lang magmukhang basahan.

2. Dalawang tao na ang nagtanong kung may lahi akong Chinese. Mga kuya, puyat lang po 'yan. Hirap na nga makatulog bilang tao, namamahay pa.

3. Sobrang ng toxic nitong nakaraang linggo sa trabaho, tangina.

4. Mag-isa na ko sa kwarto simula bukas! Salamat naman at hindi ko na kailang kalkulahin ang mga galaw ko. Mahal ang renta kaya susulitin ko ang kwarto ko.

5. Ang sarap ilibre ng magulang sa medyo mahal na restaurant. Kahit ilang libo ang nagastos ko sa isang upuan, kere lang.

6. Ang bilis (at ang sarap) magwaldas ng pera. Buti na lang bayad pa ang renta ko sa susunod na buwan lol.

7. Minsan maniniwala ka talaga na pinagtitripan ka ng universe. 'Yung mga maliliit na bagay na hinihiling mo para sa iyong sarili - as in, yung maliliit na detalye lang sa buhay na sana aayon sa gusto mo - hindi talaga niya ibibigay.

8. Again, sobrang toxic ng nakaraang work week. Papasukin ka ba naman ng holiday (nag-OT pa!) tapos magtatrabaho kinabukasan ng 17 hours, hindi ka ba mapapagod? Mga 'te pangalawang linggo pa lang ho namin sa trabaho.

9. Kaya ko pala na walang internet.

10. Ang tanga ng HR namin.

11. Mari-realize mo kung gaano ka ka-privileged bilang isang college graduate, more so bilang graduate mula sa UP Diliman paglabas mo ng campus. Oo, hindi sapat 'yon para makagaan sa pakiramdam na hindi nasusunod ang planong karera mo, pero sapat na sapat 'yon para maging mapagpasalamat ka bilang indibidwal.

Wednesday, February 17, 2016

Ito na, ito na.

Sabi mo, ihuhuli mo ang pagkokonsiderang makapasok sa mga malalaking kumpanya. Sa mga pagawaan ng kung anu-ano. Kasi nga, prinsipyo. Ibig sabihin ba nito, nasa huli ka na?

Sandali, sandali.

Ano ba dapat ang pakiramdam ng unang araw sa trabaho? Ng unang pagtira sa ibang lugar na mag-isa? Paano ka makikisama? Paano mo titipirin ang pera mo? Handa na ka na ba? Bakit wala kang opinyon?

Teka, teka.

Unang trabaho mo pa lang, iho. Hindi mo alam kung anong mga posibilidad ang meron pagkatapos ng ilang buwan, o ng isang taon. Subukan mo lang, baka sakaling magustuhan mo.

Hep, hep.

Ano ba, ayan ka na naman, ang daming iniisip. Nakausap mo na sarili mo tungkol dito diba? Unang araw sa trabaho, puyat ka. Sumaglit ka naman ng idlip kahit isang oras lang.

Tulog na, tulog na.

Sunday, February 14, 2016

Wala na talaga akong ibang nakikitang rason maliban sa pinaglihi kasi ako sa ampalaya. 'Yun na.

Alam niyo kids, simple lang talaga ang alamat ng Valentine's Day. Imbento lang yan ng mga malalaking kumpanya na gumagawa ng mga tsokolate, stuffed toy, greeting cards, lobo, long sleeves, dress at alahas. Isama mo pa ang mga may-ari ng mga motel at pagawaan ng condoms. Para-paraan lang 'yan ng mga gahaman na kapitalista para makagawa ng pandagdag na rason para gumastos ng ekstra ang mga tao. Tapos tayo namang mga tao, bigay na bigay sa pag-romanticize ng araw na ito. Jusme.

Buti na lang talaga Justin, naiba nang konti ang hulmahan ng utak mo. Hindi ka nila maloloko. Mwahahaha

Monday, February 1, 2016

I'm not as sad now compared to when I wrote my previous post. Waiting and worrying exhausted me too much. Overthinking might have probably aged me by two years at least.

Pero sa totoo lang, may konti pa akong natitirang hopia, haha. Try ko pang ipreserve hanggang sa huli.

I was just only able to delay posting this

Just this once, maybe you can put your head to rest and be still for a while. You are 21, essentially a big kid drowning in optimism that you could take your life somewhere fulfilling. I'm sure taking the first step of your career stresses you to your wits, especially if your desired path does not seem to present itself clearly as you would like. But a single step is a minute fraction of a bigger picture, because life, as you know it is a confusing multitude of intertwining tracks.
Just this once, maybe let go, or at least, temporarily let go of what you are hoping to happen. I know you find it hard to take in when people tell you "what's yours will be yours," because for you, destiny seems to be an unnecessary romantic idea. But stranger things have happened during the course of history, a lot of which were never predicted nor planned. So instead of destiny, believe in possibilities. Maybe taking that first opportunity will unlock your desired path, or carve a better path for you. Possibilities are endless, and more often than not, they can take you where you can never think of.

Just this once, maybe drop your defenses and accept things how they are. They say that anxiety does not come from thinking about the future, but believing that you can take control of it. But a single person is not enough to dictate a lifetime; a single body is not strong enough to steer a ship travelling through tumultuous waves caused by how perplexing life is. Perhaps this is why an old poet wrote the phrase "Carpe diem" - because really, you cannot plan tomorrow and put your trust in it.

Just this once, maybe stop at comparing your self from your colleagues who seem to be in good places. Just this once, take a hold of what is actually in front of you. Life can get pretty undesirable and what you only have is a spark that only fresh graduates possess. For now, try to keep that. I guess, fulfilling different dreams happen at their own pace, and sometimes, they get delayed too.

Saturday, January 9, 2016

Pyuchur

Nakakainggit din minsan yung mga taong siguradong-sigurado sa gusto nila. 'Yung tipong kapag tinanong mo sila ng "o, ano ba plano mo sa buhay?" sasagutin ka nila nang sobrang detalyado, na parang sila mismo ay ang tadhana na nagkatawang-tao.

Pero kung iisipin, mas malaki ang taya ng mga ganyang tao. Pwede kasing dumating ang pagkakataon na ipapaalala ng buhay sa kanila na: "hep hep, teka bata, hindi mo kontrolado ang takbo ng buhay mo; idadapa kita, pero sikreto muna na kapag nakabangon ka, maaalala mo pa 'yang mga pangarap mo." Mas masakit 'yan kasi all-in ka eh. Pero ano bang alam ko sa buhay. 'Di nga tayo sure kung may nagkokontrol ba talaga eh, o tayo-tayo lang naman pala ang nandito. 'Yang buhay na 'yan, jusko napakalabo. Parang pag-ibig. WAW

Actually nag-iisip lang ako kung may bata o teenager man lang na minsan naisip nila na "gusto ko pagka-graduate ko, maging chemist - yung araw-araw pare-parehas lang ang ginagawa." Tapos sasabihin ko,"ahh oo yung QA/QC na chemist. Suportahan kita diyan beh." Para siya na lang 'yung may ganyang pangarap, hindi na kailangang madamay ang iba.

Monday, January 4, 2016

Mga suri at danas ng isang (hindi na masyadong) fresh grad sa kanyang unang pagsakay sa MRT, habang rush hour

December 3, 2015

Sa Pilipinas, hindi na masyadong kailangan ng MRT ng maraming introduksyon. Para na siyang si Kris Aquino - maingay, madalas nasa mga pahayagan at telebisyon, madalas kinaiinisan ng Pilipinas, pero nandyan pa rin. Kaya naman hindi na ako nagulat nang hindi ako binigo ng MRT habang rush hour - kung anuman ang mga expectations at inaasahan kong makita, binigay niya, may sobra pa. #2015Highlight.

Bale ito na naman ang isa sa mga walang kwenta kong listahan sa blog na 'to, MRT-inspired

1) Sinimulan ko ang araw na 'yon sa pagti-tweet ng: "diyos ng mga first timers sa mrt during rush hour... help." And boy, did that tweet help. Yung pang-anim na tren na dumating sa harap ko ay halos walang laman. Sa pagkakataon din na iyon, naniwala ako sa Diyos ng mga First Timers sa MRT.

2) Isa sa mga pinakanakakabwisit na sign board na nakita ko sa buong buhay ko ay 'yung "NO PUSHING" signs sa loob ng istasyon ng MRT. Hindi ko talaga naiintindihan yung gustong iparating nilang mensahe. Baka ineexpect nila na makakapag-"arms forward raise" ang mga tao?? O 'di kaya itataas ng lahat ang mga kamay nila para maiwasan ang pagtutulakan?? Help??

3) Kung isa akong promdi na sanay sa malalawak na bukirin at unang beses kong mararanasan ang ganung klaseng pagtutulukan... putangina ieempake ko ulet lahat ng damit ko sa tampipi at magsasaka na lang ulit. Pero syempre babalik pa rin ako 'cos I'm strong.

4) Sa totoo lang, hirap na hirap akong gumawa ng konkretong paglalarawan ng mga nakita ko nung araw na iyon. Ang nabuo ko na lang talaga sa utak ko ay ang paghahalintulad ng larong Tetris sa pagsakay sa MRT. Pero imbis na dahan-dahang nalalaglag ang puzzle pieces, nagtutulakan sila. Tiaka walang naki-clear na row kapag puno na.

5) Sinubukan ko ring lagyan ng persona ang mga tren. Kapag nilagyan mo sila ng boses, iire lang sila nang malakas, tapos magmumura sa pagitan ng bawat pagsigaw.

Sayang, ang dami ko nang nakalimutan na ideya sa mahigit isang oras kong paghihintay sa MRT Cubao Station noong araw na 'yon. Bawat lingon kasi habang nakapila, maaari kang makabuo ng istorya. Next time, magdadala na ako lagi ng notepad.

Ang sarap sarap gawing politikal ng post na ito, pero wala kasi sa tamang wisyo ang utak ko ngayon kaya ititigil ko na rito ang pagsusulat. Tatapusin ko na lang siguro 'to sa isang maikling mensahe para sa gobyerno: "Tang ina mga beh anek na."

Sunday, January 3, 2016

Wala, matigas talaga ulo ko eh

As if hindi pa sapat na validation yung ilang taon na pagbubunganga at pagpapagalit ng magulang ko sa akin, ngayon, tinatanggap ko na: matigas nga talaga ang ulo ko. Kaya siguro mas trip ko talaga para sa akin ang mahabang buhok eh. Wala lang, gusto ko lang i-konek 'yon.

Pagkatapos ng ilang interviews na pinuntahan at hindi pinuntahan, dalawang trabaho na tinanggihan at ilang oras na pagtingin sa Jobstreet kung meron bang mapupusuang pag-aapplyan - humantong din ako sa paghihintay ng tawag sa pinakaunang trabahong pinasahan ko ng application form. Mind you, naghihintay pa lang ako ng interview, hindi pa job offer mismo. Unang sabak ko pa lang sa mundo ng paghahanap ng trabaho, nabiktima kagad ako ng inefficiency ng gobyerno. Apat na buwan para sa hiring process, at ang tanging nagawa ko lang ay makakuha ng exam na halos di ko rin naman kayang sagutan.

Sa isip-isip ko kasi, hindi pa sapat na senyales yung hirap ng exam na kinuha ko tiaka yung pagkakaroon ng work experience ng ilan sa mga nakasabay kong mag-apply para matantiya ko kung matatanggap ba ako sa DENR. Sa isip-isip ko, eh baka may laban pa rin naman ang fresh grad na kagaya ko, ibibida ko na lang yung eskwelahan na pinanggalingan ko, pati 'yung extracurriculars ko siguro. Kaya ayun, nasabi lang nung babae galing sa HR ng DENR na iinterview-hin din naman pala lahat ng nag-exam, binitawan ko agad yung job offers na meron ako.

In short, i-binase ko sa hopia ang unang hakbang ko para sa karera ko. So far, kinakaya ko pa naman ang unang pagsubok sa prinsipyo at idealismo ko. Eh sa gusto ko eh.