Sa Pilipinas, hindi na masyadong kailangan ng MRT ng maraming introduksyon. Para na siyang si Kris Aquino - maingay, madalas nasa mga pahayagan at telebisyon, madalas kinaiinisan ng Pilipinas, pero nandyan pa rin. Kaya naman hindi na ako nagulat nang hindi ako binigo ng MRT habang rush hour - kung anuman ang mga expectations at inaasahan kong makita, binigay niya, may sobra pa. #2015Highlight.
Bale ito na naman ang isa sa mga walang kwenta kong listahan sa blog na 'to, MRT-inspired
1) Sinimulan ko ang araw na 'yon sa pagti-tweet ng: "diyos ng mga first timers sa mrt during rush hour... help." And boy, did that tweet help. Yung pang-anim na tren na dumating sa harap ko ay halos walang laman. Sa pagkakataon din na iyon, naniwala ako sa Diyos ng mga First Timers sa MRT.
2) Isa sa mga pinakanakakabwisit na sign board na nakita ko sa buong buhay ko ay 'yung "NO PUSHING" signs sa loob ng istasyon ng MRT. Hindi ko talaga naiintindihan yung gustong iparating nilang mensahe. Baka ineexpect nila na makakapag-"arms forward raise" ang mga tao?? O 'di kaya itataas ng lahat ang mga kamay nila para maiwasan ang pagtutulakan?? Help??
3) Kung isa akong promdi na sanay sa malalawak na bukirin at unang beses kong mararanasan ang ganung klaseng pagtutulukan... putangina ieempake ko ulet lahat ng damit ko sa tampipi at magsasaka na lang ulit. Pero syempre babalik pa rin ako 'cos I'm strong.
4) Sa totoo lang, hirap na hirap akong gumawa ng konkretong paglalarawan ng mga nakita ko nung araw na iyon. Ang nabuo ko na lang talaga sa utak ko ay ang paghahalintulad ng larong Tetris sa pagsakay sa MRT. Pero imbis na dahan-dahang nalalaglag ang puzzle pieces, nagtutulakan sila. Tiaka walang naki-clear na row kapag puno na.
5) Sinubukan ko ring lagyan ng persona ang mga tren. Kapag nilagyan mo sila ng boses, iire lang sila nang malakas, tapos magmumura sa pagitan ng bawat pagsigaw.
Sayang, ang dami ko nang nakalimutan na ideya sa mahigit isang oras kong paghihintay sa MRT Cubao Station noong araw na 'yon. Bawat lingon kasi habang nakapila, maaari kang makabuo ng istorya. Next time, magdadala na ako lagi ng notepad.
Ang sarap sarap gawing politikal ng post na ito, pero wala kasi sa tamang wisyo ang utak ko ngayon kaya ititigil ko na rito ang pagsusulat. Tatapusin ko na lang siguro 'to sa isang maikling mensahe para sa gobyerno: "Tang ina mga beh anek na."
No comments:
Post a Comment