Friday, July 13, 2018
Monday, July 9, 2018
Pasensya
Pasensya ka na, hindi pa kita mapakawalan sa isip ko. Ilang beses mo nang sinubok na sabihin na tapos na, kailangan na nating lumakad papalayo mula sa isa't-isa - at pangako, ginagawa ko lahat ng makakaya ko. Dalawang buwan lang naman tayo nagsama diba? Hindi dapat ganito kahirap ang pagkalas. Pero para sa mga katulad ko, sapat na pala ang dalawang buwan para kumapit nang mahigpit sa kung anumang mga pakiramdam na nabuo sa maikling panahon na iyon. Pasasaan ba at magagawa ko rin ang gusto mo, pero sa ngayon, humihingi ako ng pasensya. Hindi lang para sa iyo, pero para rin sa sarili ko. Sa sarili kong hinayaan ang mahulog kahit buo ang kamalayan na magiging ganito kasakit ang paglagapak. Pasensya na, pasensya na.
Subscribe to:
Comments (Atom)