Wednesday, September 30, 2015

How to adult?

Demonyo 'yang tanong na 'yan, lalo na sa mga 20-something na katulad kong nagpapaka-deep at nag-iisip kung ano ba talaga ang tunay na halaga ng buhay eh mamamatay ka rin naman. Kanya-kanya syempreng pagsagot 'yan, kung paano yung sa iyo, bahala ka. Para sa akin, baka kailanganin ko na ulit ibalik ang pananampalataya ko. Hello God ulit, kumbaga. 'Yan tayo eh, kapag may kailangan lang lumalapit hay.

Kaya nung Lunes, /medyo/ sinimulan ko nang sagutin 'yang tanong sa taas. Inilako ko ang resume kong punung-puno ng self-doubt at uncertainty sa dalawang lugar - sa Manila Water at DENR, dahil malapit-lapit sa bakod ng UP kung sakaling gusto ko pang mag-aral, tiaka gusto ko yung lugar na may katuturan ang ginagawa. Hindi naman talaga ako sigurado kung may job opening, pero sabi ng tatay ko, sige, bigay mo lang. So there, pa-confident akong pumunta sa mga HR nila. Pare-parehas lang din ang mga nakuha kong sagot: "Tatawagan ka na lang ng HR." (Actually sa MGB ng DENR sinagot ako na magpasa ng iba pang dokumento at may exam din raw, to which I mentally responded, "putangina exam na naman???")

Pagkatapos kong maglakad-lakad habang nakikinig kay Carly Rae Jepsen ay naglunch kami ng blockmates ko sa Vikings. First time ko 'don; initially nanghihinayang ako sa perang hiningi ko para makasama pero in the end sulit naman pala. Tiaka ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama sila ng ganon since hipster ako at medyo humiwalay ako sa kanila. Paboritong topic ang tsismisan tungkol sa pag-ibig at mga kadiring feelings, to which I have always mentally responded "Ughhhhh." Joke haha pero sa pagkakataong 'yon nakinig ako nang mabuti kasi (1) inatake rin nila ako at (2) tumatanda na nga pala ako.

Hay. Malamang sa malamang mas dadalang pa ang mga ganung pagsasama kapag nagkanya-kanya na kaming buhay. Huhuhuhu.

Bale kung susumahin lahat ng ginawa ko nung isang araw, isa lang takeaway ko - base sa preview, adult life sucks. Pero 'di naman nagsosorry ang society para diyan at hindi humihinto ang oras, kaya okay wtver.

Friday, September 25, 2015

Lahat naman ng tao may kalungkutang itinatago. Lahat ng tao, nakaramdam rin ng sariling pagkasira at pagkabigo sa iba't-ibang pamamaraan. Araw-araw, may sari-sarili tayong laban. It's just up to us how we pick and face our battles.

Sadness is an emotion that all humans can easily relate to, because deep inside, we are all, in one way or another, broken. Even those that apparently have everything still long for a little something. Kaya okay lang naman malungkot guys. Just know that there will always be people out there who will be able to understand you. You're not a bad person for finding ways to make yourself happy.


Thursday, September 17, 2015

So pasado na ako ng boards

1. I feel less enthusiastic than what I have imagined I would feel. Parang wala rin naman kasing build-up since ang bilis ng resulta. O di kaya dahil di ko rin naman talaga feel ang pagiging chemist.

2. Goal #1: Subukang huwag magpaka-corporate sellout for as long as possible.
    Goal #2: Dahil mukhang magfefail ang #1, maghanap na lang ng paraan para ma-offset yung      pagiging sellout. In the end, at least professional corporate sellout ako. Pweds na rin siguro yon.

3. May kasama bang maturity yung lisensya? Kailangan ko rin 'yon.

4. Next time na yung iba; isipin ko pa kung anong weight ng pagpasa ng boards. Pero for now, good job self muna haha.