Wednesday, December 30, 2015

Pwede ba, 'wag ako

"Alam mo, ang kailangan mo ay lovelife."

"Luh pwede ba hahaha"

Kumpletong sagot: "Lul gago tangina ang kailangan ko ay ang matanggap sa inaapplyan kong trabaho. Tiaka alak. Yung marami. Kung pwede nga lang palitan ng atay ang puso, gagawin ko eh. Lovelife ka dyan. Pwede ba, 'wag ako."

Sunday, December 13, 2015

Maraming salamat sa gabing ito

Maraming salamat sa alak na nagbigay sa akin ng sapat na lakas ng loob at kawalan ng pagpipigil sa sarili upang ipahayag kung anuman ang nasa saloobin ko.

Maraming salamat sa mga magulang ko na nakinig sa prinispyo ko; na hindi isinawalang-bahala ang sarili kong idealismo.

Maraming salamat sa pag-aakala ko na maaring hindi bigyang halaga ng magulang ko ang mga pinaniwalaan ko sa nakalipas na ilang taon; na sa pagkakataong biniyayaaan ako ng alak ng sapat na tapang para ibahagi sa kanila ang mga prinsipyo ko, hindi sila nag-atubiling magbigay ng suporta sa akin; na nakita ko pa ang tatay kong ngumiti habang ipinapaliwanag ko ang mga bagay na matagal kong pinili na hindi banggitin sa kanila.

Nakakaiyak pala talaga na magkwento ng ilang bahagi ng pag-iisip mo na totoong mahalaga sa'yo. Mas nakakaiyak kung ibinabahagi mo ito sa mga taong mahalaga sa buhay mo.

Muli, maraming salamat sa gabing ito.

Sunday, December 6, 2015

Alam ko na

Sa loob ng tatlumpung minuto, kasama ng medium-sized fries at hot fudge sundae mula sa McDo, naisip ko na sa wakas kung anong ugat ng problema ko.

It was right in front of me, staring at my face.

Takot. Ako. Sa. Commitment.

Kthanksbye

Thursday, November 26, 2015

O diba, gamit na gamit itong blog ko

Hindi naman yata halata sa akin na sinasagad ko ang gamit ng munti kong online space habang wala pa akong ibang ganap sa buhay ano.

1. Isasantabi ko ang aking pagkasuya sa kakornihan ng pag-ibig para lang maisulat ito - mayroon sigurong malaking kakulangan sa larangan ng sining, musika, pelikula at literatura kung hindi nauso 'yang pag-ibig na 'yan. In fairness naman sa kanya.

2. Minsan naiisip ko, sana ang kinalakihan ng young adult self ko ay yung early 2000s, yung mga panahon ng Tabing Ilog at Pangako Sa' Yo, noong ang namamayani sa radyo ay NU Rock at ang pinapanood sa Myx ay mga kanta ng iba't-ibang banda. Para at least, na-skip ng young adult self ko ang pagkauso ng mga konseptong hipster, pa-art, pa-deep at iba't-iba pang klase ng mga nauusong pretentions.

3. Iniisip ko, pa'no kung nageexist nga talaga ang parallel universes, tapos sa isang parallel universe may version ko ngayon na fulfilled na bilang tao. Tapos iyang version na 'yan, iniisip niya yung unfulfilled version niya - meaning, ako, sa universe na ito. Pero hello, bakit niya iisipin 'yon diba? Fulfilled nga siya eh?? Huwait, did I just disprove the theory of the existence of parallel realities??

4. Yung sandaling mari-realize mo na yung kantang akala mo ay akma mong kantahin para sa isang tao ay mas nababagay pala para sa iba pang tao, kasi pwede niyang kantahin iyon para sa iyo. ANODAWWWW

Monday, November 23, 2015

The universe might be on to something for me. That, or I'm just an unlucky bastard

Maybe, just maybe, the universe is conspiring to tell me that, hey kid, stop looking for something else and be patient. That it will eventually grant me what I have thought about and wanted in the first place, to make up for almost a decade that felt like devoid of inspiration and actual motivation. That it is purposely letting me down for one last time to make me feel a heightened sense of gratitude when the time comes that it grants me my prize.

But then again, I might just be an unlucky fellow. I for one, never looked for signs, so why am I thinking about this now.

Saturday, November 21, 2015

I'm becoming protective over my friends but I want to be liberated myself. A bit too ironic, self? Or are you being indirectly selfish? Or probably just try not to care too much?

Monday, November 16, 2015


Friday, November 6, 2015

1. Should I give up or should I just keep on chasing putangina DENR ang tagal mong sumagot pls ang dami ko nang sinayang na oras at na-miss na pagkakataon. Dali na sa'yo ko nilalaan yung privilege ng unang makakapatay sa idealismo ko bilis habang may natitira pa.

2. Uy patulong namang i-ahon ang sarili ko mula sa dagat ng kapraningan, kadramahan at katangahan ng sarili ko rin, actually.

3. Fak eto na naman yung urge na maghanap ng yosi (paano na kung nagtatrabaho na ako??)

4. Sana magaling din ako magsulat, yung pang-dyaryo levels. Sayang naman yung kaguluhan ng utak ko, o.

5. Walang halong biro, pag-so-stalk na lang sa pinoyexchange forums ng Jadine ang nagpapaligaya sa akin ngayon. Ang lala. Ang lala lala.

Tuesday, October 27, 2015

Paanong nagagawa ng isang tao na mabago ka nang hindi niya kailanman nalalaman? Maraming salamat sa distansya, oras at siguro sa matindi kong self-preservation. Pati na rin siguro sa sarili kong kaduwagan. Matagal ko rin palang ininda yung kadiring lungkot dati.

Sunday, October 25, 2015

Sa palagay ko, alam ko na ang isusulat ng doktor sa death records ko kapag namatay na ako.

Cause of death: Bad timing and/or recurrent awkwardness as a person.

Friday, October 23, 2015

Kailan kaya matatapos itong musmos kong kadramahan?

Anyway, trabaho, dumating ka na pls. Damang-dama ko na ang kawalan ko ng kwenta bilang mamamayang Pilipino. Sayang naman yung lampas isang dekadang pagpapaaral sa akin ng estado o.

Thursday, October 22, 2015

Napapagitnaan ng adult coloring books yung Jadine scrapbook sa Booksale. Alam na kung anong binili ko.

Wala. Kasi wala akong pera.

Tuesday, October 20, 2015

Road to abs 2015

1. Magja-jogging dapat ako this week kaya lang umuulan eh.
2. Kanin for every meal, including merienda.
3. Kakain kahit hindi gutom.
4. Okey na 'tong one-minute plank, hope for the best na lang.
5. Matutulog pagkatapos kumain nang marami.

Saturday, October 17, 2015

Aaminin ko, kahit obvious naman - may pagka-hopeless romantic din ako (lahat din naman ng tao, asus).

Friday, October 16, 2015

[EDIT 4] Tatlong stages ng biglaang apprehension

Sobrang dami kong apprehensions bigla tungkol sa future. Tangina ng mga kapatid ko.

[EDIT] Tangina gago OA ba ako tangina ng mga kapatid ko tangina ng buhay hindi ko naiintindihan. Ganitong klase ba ang pag-iintindi na ginagawa ng nanay ko kasi tangina mukha ngang nakaka-cause ng biglaang pagnenerbyos. Tangina gago OA nga siguro ako pero kasi may basehan naman ang katanginahan na ito eh.

[EDIT 2] Okey hindi na ako umiiyak medyo kalmado na ako wew. Tangina kasi bumalik na naman yung mga ganitong pag-iisip dahil sa pag-o-oathtaking kanina eh. Hindi bale, mga tiga-Lithuania and other random countries lang naman ang nagviview ng blog na ito sabi ng blogspot. Sa mga tiga-Pilipinas na nagview nito, nananalig akong hindi niyo ako kilala.

[EDIT 3] Minsan dapat maniwala ka rin na magiging maayos din naman ang lahat, siguro.

Wednesday, October 7, 2015

Ang sarap sigurong mamatay na may iiwanang mga alaala na higit pa sa bilang ng naiambag mo sa kung anumang larangan o sa kabutihan mo bilang kapamilya at kaibigan. Yung tipong alaala na yung kagalingan mo bilang anak ng mundo ay may naiambag sa pagpapabuti ng lipunan na ginagalawan mo. Na hindi ka man naging superhero na mag-isang naresolba lahat ng social injustices sa mundo, pero naging isa kang tao na hindi nag-aksaya ng pagkakataon para makatulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga kapwa mo tao.

Apir tayo diyan self!

Sunday, October 4, 2015

Sobrang daming pinaglalaban ng mga tao ngayon. Pagkatapos ng lahat, sino ba talagang mananalo at matatalo? Shouldn't we be all in the same team?

---- sabi ng bente anyos na batang hindi pa nakakatikim ng dirty office politics, paninigaw ng boss, pangsa-snatch ng cellphone at wallet, pinagkait na karapatan, (totoong) heartbreak, at iba pang mga realidad ng buhay.

Saturday, October 3, 2015

Oo nga 'no

Galing lang ako sa inuman kaninang hatinggabi kaya siguro nang nagising ako ng mga 5AM okay ang pakiramdam ko (pero hindi ang sikmura ko). Kakatapos ko lang din manood ng On the Wings of Love at pagkatapos akong iwanan ng kadiring feelings ng lecheng palabas na 'yan ay napadaan ako sa wordpress blog ng direktor nila, si Tonet Jadaone.

"Minsan kailangan mo lang tumigil, at manahimik, para malaman mong ba’t ang dami mo pang hinihiling at pinangangambahan, ba’t ang dami mo pang tanong, e ang totoo, okey lang naman talaga ang lahat. At sa totoo lang, matagal na.#"

Meron pa rin naman akong mga kaibigan na nakakapagpatawa sa akin. Kaya ko pa rin namang ngitian ang mga mababaw na bagay. Maganda pa rin ang pasok ng liwanag ng araw sa kwarto ko kanina. Kaya for a good minute, sa kabila ng lahat ng kaartehan at pangamba ko, naisip ko: okey na okey pa rin naman pala ang buhay.

credits sa blog ni antoinette jadaone

Thursday, October 1, 2015

Mapait ang lasa ng pinaghalo-halong regret, frustration at kawalan ng purpose.

It's been exactly two weeks since the release of the board exams results, which also means that I have been a bum for the same amount of time. Being mostly at home for two weeks with nothing better to do isn't helping my sanity at all; everyday feels like past midnight, a.k.a. the best time to let thoughts storm your conscience, keeping you awake until the first ray of sunlight hits your room. Pero sa akin ngayon, wala nang pinipiling oras ang pagdadrama.

It might be too shallow for a person who has only been on this Earth for a little over two decades to think that life is slowly inching its way to catch up with you, but for two weeks that's all I've been thinking about.

I've been thinking about how I trained myself for the past years to neglect experiences that usually kids of my age have already been through. (Oo tungkol 'to sa love at intimacy) How I have acted strangely open to my friends when in fact I have always consciously tried to build walls around me that I seem to want to stay.

I've been thinking about what if I dared to move out from my course, to actually take time to discover my real passion without thinking of the consequences that might arise. I've been thinking about what if I really let myself be immersed in experiences that UP was trying to offer to its students. I've always dismissed the label "real life" since in my mind, real life is everyday life. But then again, I doubt that I'll ever find myself be in a care-free and controllable situation such as being a student.

I've been thinking about how long I could maintain the spark of optimism that I have cultivated during college, when as early as now I already feel defeated by the society that never feels sorry for itself.

I've been thinking about the future, after my father retires from his job, when my parents begin to weaken due to old age, how I don't see my brothers be anywhere near from success given how they act now, how I've been dismissing the unspoken pressure of being the family member to most likely be successful, when I personally value fulfillment over money. It feels unfair to feel this kind of burden, because they themselves never seemed to strive for it.

I have never felt so trapped before, until now.

"Ang drama mo naman."
"Haha totoo."

Sabi ni Ma'am Lyn Dimaano, kailangan mo munang sumunod sa dinidikta ng paligid mo, because it'll be a painful process if you try to always be yourself. It sounds very flawed, but it presents the difference between being yourself and staying true to yourself. I find the latter much important.

So I guess, at the end of the day, you just have to keep on keeping on. Everyday is a decision; some days will be as simple as what clothes to wear, other days will try to make you weep. Just don't lose yourself in the process.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Now that I've written the gist of what's in my mind right now, I am finding myself thinking about how I would be laughing at this piece a year later: "Tangina drama mo beh." Sorry na 2016 self, wala pa rin akong trabaho eh.

Wednesday, September 30, 2015

How to adult?

Demonyo 'yang tanong na 'yan, lalo na sa mga 20-something na katulad kong nagpapaka-deep at nag-iisip kung ano ba talaga ang tunay na halaga ng buhay eh mamamatay ka rin naman. Kanya-kanya syempreng pagsagot 'yan, kung paano yung sa iyo, bahala ka. Para sa akin, baka kailanganin ko na ulit ibalik ang pananampalataya ko. Hello God ulit, kumbaga. 'Yan tayo eh, kapag may kailangan lang lumalapit hay.

Kaya nung Lunes, /medyo/ sinimulan ko nang sagutin 'yang tanong sa taas. Inilako ko ang resume kong punung-puno ng self-doubt at uncertainty sa dalawang lugar - sa Manila Water at DENR, dahil malapit-lapit sa bakod ng UP kung sakaling gusto ko pang mag-aral, tiaka gusto ko yung lugar na may katuturan ang ginagawa. Hindi naman talaga ako sigurado kung may job opening, pero sabi ng tatay ko, sige, bigay mo lang. So there, pa-confident akong pumunta sa mga HR nila. Pare-parehas lang din ang mga nakuha kong sagot: "Tatawagan ka na lang ng HR." (Actually sa MGB ng DENR sinagot ako na magpasa ng iba pang dokumento at may exam din raw, to which I mentally responded, "putangina exam na naman???")

Pagkatapos kong maglakad-lakad habang nakikinig kay Carly Rae Jepsen ay naglunch kami ng blockmates ko sa Vikings. First time ko 'don; initially nanghihinayang ako sa perang hiningi ko para makasama pero in the end sulit naman pala. Tiaka ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama sila ng ganon since hipster ako at medyo humiwalay ako sa kanila. Paboritong topic ang tsismisan tungkol sa pag-ibig at mga kadiring feelings, to which I have always mentally responded "Ughhhhh." Joke haha pero sa pagkakataong 'yon nakinig ako nang mabuti kasi (1) inatake rin nila ako at (2) tumatanda na nga pala ako.

Hay. Malamang sa malamang mas dadalang pa ang mga ganung pagsasama kapag nagkanya-kanya na kaming buhay. Huhuhuhu.

Bale kung susumahin lahat ng ginawa ko nung isang araw, isa lang takeaway ko - base sa preview, adult life sucks. Pero 'di naman nagsosorry ang society para diyan at hindi humihinto ang oras, kaya okay wtver.

Friday, September 25, 2015

Lahat naman ng tao may kalungkutang itinatago. Lahat ng tao, nakaramdam rin ng sariling pagkasira at pagkabigo sa iba't-ibang pamamaraan. Araw-araw, may sari-sarili tayong laban. It's just up to us how we pick and face our battles.

Sadness is an emotion that all humans can easily relate to, because deep inside, we are all, in one way or another, broken. Even those that apparently have everything still long for a little something. Kaya okay lang naman malungkot guys. Just know that there will always be people out there who will be able to understand you. You're not a bad person for finding ways to make yourself happy.


Thursday, September 17, 2015

So pasado na ako ng boards

1. I feel less enthusiastic than what I have imagined I would feel. Parang wala rin naman kasing build-up since ang bilis ng resulta. O di kaya dahil di ko rin naman talaga feel ang pagiging chemist.

2. Goal #1: Subukang huwag magpaka-corporate sellout for as long as possible.
    Goal #2: Dahil mukhang magfefail ang #1, maghanap na lang ng paraan para ma-offset yung      pagiging sellout. In the end, at least professional corporate sellout ako. Pweds na rin siguro yon.

3. May kasama bang maturity yung lisensya? Kailangan ko rin 'yon.

4. Next time na yung iba; isipin ko pa kung anong weight ng pagpasa ng boards. Pero for now, good job self muna haha.

Monday, August 10, 2015

Bakit nagiging Dr. Love ako bigla para sa ilan sa mga kaibigan ko? Mukha ba akong experienced sa mga ganyang bagay (kailangan ko pa nga yatang i-sort yung akin, buti na lang medyo nandyan ang punyetang boards na inaalay ang kanyang sarili bilang pansamantalang pang-iwas sa mga ganitong bagay hehe)

Sunday, August 9, 2015

You know how in your head you try to come up with a thousand possible combination of words and sentences just to translate whatever thought or feeling that has been eating you up into pieces of crappy, hormones-fueled, young adult literature?

Life's kind of been perpetually unsatisfying and frustrating (newsflash ba dapat ito?). I've been continuing to let go of a really long sigh all week, nauubusan na ako ng hininga.

Monday, July 13, 2015

Bale...

1. Kanina nang pauwi ako, napadaan ako sa harap ng Gateway Taco Bell. Saktong pagdating ko, nalaglag ng empleyadong nag-iimbita ng customers yung bell na hawak-hawak niya. Damang-dama ko yung frustration at kawalan ng satisfaction niya sa buhay nang pinupulot na niya 'yon. At that moment, gusto ko sana siyang yakapin, pero weird kasi 'yun kaya hindi ko ginawa. So nilagpasan ko na lang siya.

2. Maraming nagshe-share sa facebook ng isang quote tungkol sa kagustuhan ng mga tao na makipag-usap tungkol sa mga stars, insecurities, universe, life at kung anu-ano pang mga deep na bagay kaysa tungkol sa mga mababaw na bagay, 'gaya siguro ng pakikipagkamustahan o hindi kaya kung anong mga paborito mong kainin o gawin sa buhay habang wala ka pang trabaho. Marami na palang deep na tao ngayon, ano.

3. Bakit usong-uso na sa mga lalaki ang magsuklay? Hindi ko gets. Parang andaming lalaking naka-hair gel tapos sobrang banat ng buhok. Dati hindi naman ganun ah. Ilang oras ang nilalagi niyo sa salamin para ma-achieve 'yan?

4. ~2 months na lang board exams na namin. Haha hindi pa ako nag-aaral nang mabuti. Mali yata 'yon - pero tangina naman kakatapos ko lang sa pag-aksaya ng apat na taon ng buhay ko sa pag-aaral ng mga bagay na hindi ko naman gusto, hindi pa ba ako deserving para sa kahit konting kalayaan? (Lol who am I kidding; people turn into economic slaves after college.) Pero gaya ng laging sinasabi ng magulang ko kapag nagrarant ako sa buhay, "konti na lang, tiisin mo na lang 'yan." Mga halos isang dekada na nilang sinasabi sa akin 'yan. Best advice everrr.


Monday, June 29, 2015

Graduation keme

Since graduation naman at uso 'to, meron din akong pathank you sa mga tao, in English. Here it goes...

I've thought of writing a really lengthy post of gratitude after graduation, but now that this moment has come, I held back. It really is a difficult task to communicate all the gratitude that I feel for this university. UP provided me with so much experience that a single post would never be able to summarize.

So for now, let me just enumerate all the groups of people that I have held dearly all throughout my college life - my high school friends, my freshie blockmates, UP College of Science Student Council 2013-2014, UP Children's Rights Advocates League, my home organization, UP Chemical Society, to whom I owe a separate post of gratitude, my 12A batchmates, ExeComm 2014-2015, the Institute of Chemistry as a whole, all of my professors - the ones who stood out in my memory, whether in a good or bad way, Dr. Malou McGlone, Ate Mary and the rest of the Chemical Oce lab of MSI, and most especially to my parents, to whom I owe my life and education. Much of the lessons that would occupy the brightest spots of my being were learned outside classrooms, to which all of these people contributed to. With that, I thank all of you.

Up until now I won't be able to say that I chose the right starting coordinates to jumpstart my career, but there is one other thing aside from experience that I thank UP for - that is providing me with some sense of nationalism and idealism which I hope I'd be able to carry for as long as I can. Cruel realities of life will definitely be there at the onset of all of our careers, but I hope, at least with us, Class of 2015, the university has imparted enough confidence and strength for us to actually make a difference.

'Yun lang. Daming paseryosong keme. Bale para sa mga taong walwal, laging di motivated, laging nauubusan ng pake, di trip course nila pero nandyan pa rin, sa mga napipilitan lang lagi mag-aral, rak lang mga beh, makakatapos din kayo. Pagtapos nun, walwal lang ulet. Cheers!

Labyu parents and UP

Friday, June 5, 2015

"Eventually I hope you find yourself in a field you will be happy with, whether this be marine or environmental science, or some other discipline.  What is important is that you go find your dreams and make a difference."

Hi Dr. McGlone! This just summarizes everything I am wishing for my future. 


I am definitely unsure whether I chose the right starting coordinates for my post-college career, but all the uncertainties that lie ahead makes my future journey all the more exciting. Good luck, self. :)

Sunday, February 8, 2015

Feeling ko ang dami ko nang pagbabago sa ugali, sa pakikisalamuha sa mga tao, tiaka sa outlook sa buhay. Yung iba, cina-classify ko sa hindi maganda, tapos yung iba parang mas okay kesa dati. Mas madalang na dumating yung mga spontaneous at "creative" na ideya, pero mas makapal na yung mukha ko. Mas natuto akong makiramdam, pero hindi ko pa rin pinag-iisipan nang mabuti yung mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung mas okay akong tao overall kesa dati, pero keri on self.

Anyway,

Happy New Year!

Sorry blog, medyo nahuli ng isang buwan at walong araw yung pagbati pero okay lang 'yan, at least nadalaw pa rin kita.