Sunday, December 25, 2016

Alas otso, bumaba ako mula sa pagkakakulong ko sa kwarto para ihanda ang aking hapunan. Kung nasa Pilipinas ako nito, siguradong halos mahihimatay na ako sa gutom sa kakahintay ng kakainin pagsapit ng alas dose. Ngayon, ang pagkain ko ay instant pesto - 'yung mga microwaveable meals na dinisenyo para sa mga taong namumuhay mag-isa at tamad magluto. Naisip kong magpost ng litrato 'nun sa twitter kanina, pero masyado nang nakakalungkot at nakakaawa ang sitwasyon ko rito para idocument pa online kaya huwag na lang.

Isang stick lang ng yosi ulit, sabi ko sa sarili ko. Naka-isa na ako kaninang hapon, pero ano ba naman ang magdagdag ng isa pa sa araw na sobrang shit sa pakiramdam diba? 

Kung totoo naman na nananadya ang pagkakataon, aba tangina naman sobra na yata. Kahit lamig ng hangin dito hindi man lang ibinigay sa akin para makaramdam ng kakaunting diwa ng Pasko. Sobrang negatibo na ng pananaw ko sa ilang aspeto ng buhay ko ngayong taon, kaya siguro tinodo na ng universe at pinatapon niya ako sa lugar kung saan magkasabay mong kekwestyunin ang mga choices mo sa buhay at competency mo bilang empleyado. 

Hindi ko na alam kung saan pupunta pa itong post na ito, kaya tatapusin ko na lang dito. Maligayang Pasko.