Tuesday, December 31, 2013

Last day of 2013!

I could write a long and dramatic post on how 2013 has been to me but I've been so lazy lately, choosing idleness over finishing council and acad-related jobs that I've put on hold since the break started. I'd be regretting that decision starting tomorrow, but whateverrrr

I would've wanted to post this on facebook but it's too long so in order to keep this blog alive I'll be posting this new year-related status here instead!

Sobrang self-centered at madramang post pero wala akong pakeee

This year has got to be the best among the 19 years that I have lived through. It was filled with challenges and triumphs; mula sa tone-toneladang stress at kapaguran (maraming salamat sa pinagsama-samang acads, council at org), sa mga sarili kong kadramahan sa buhay, sa ilan kong pagbagsak at pagkatalo (di pa ako graduate sa Math Bldg), pati na rin sa mga ka-weirdohan na ginawa ko (uhh Bb. Ba'to), hanggang sa mga masasayang alaala ng pagkapanalo (marami-rami 'to), salu-salo at tawanan kasama ang mga taong nasa paligid ko (pati na rin kahit wala akong kasama haha freaky). These, along with alot more memories gives me all the more reason to say that 2013 was really an amazing year. To old and (relatively) new friends, maraming salamat! Hope you all had a good year; let's all look forward to 2014!

2014, please be better than 2013! Mas marami pa sanang masasayang pangyayari sa lahat ng aspeto ng buhay ko ang maganap (pati sa love life ew love)! Happy New Year!!!

Friday, December 13, 2013

Heheheheheheheh

Sunday, December 1, 2013

"Okay lang 'yan."

Naalala ko yung pari sa isang Christmas Eve mass na inattend-an namin dati a few years back. Sabi niya, everytime na may pagsubok, everytime na may dinaramdam, everytime na na-ooverwhelm ka na, lagi mo lang idugtong - "Okay lang 'yan." So okay, i-ttry ko siya ngayon.

Sobrang baon na baon na ako sa dami ng ipapasang papers at probsets, sa dami ng exams na kailangang pag-aralan ng mabuti dahil sa totoo lang, wala pa akong naiintindihan kahit katiting mula sa mga tinuturo ng mga prof ko at sa dami ng pubmats, events at extra-curricular na mga trabaho na dapat gawin at pagplanuhan.

Okay lang 'yan.

Naooverwhelm ako minsan ng iba't ibang klaseng feelings para sa isang tao, para sa maraming tao, para sa isang konsepto, para sa isang pangyayari, para sa maraming bagay. Feelings ng pag-momove on, feelings na masakit, feelings na nakakafrustrate, feelings na nakakagalit, feelings dahil nakakatamad na magka-feelings... eh hindi pa naman ako marunong mag-handle ng feelings kaya nagmumukhang okay lang ako lagi. Pero sa totoo lang, sumasabog na utak ko.

Okay lang 'yan.

Minsan dumarating ako sa puntong ayoko na lang bumangon ng kama kasi haharap na naman ako sa mga tao na feeling ko minsan nagiging toxic na sa akin... at sa mga tao in general. Minsan gusto ko na lang hindi pumasok sa mga klase ko ng isang linggo. Hindi ko alam, parang nasasaid na ako sa inspirasyon at motivation.

Okay lang 'yan.

Tang ina, okay nga lang 'yan.