Ayon sa emotion wheel na nakadikit sa notebook ko, I feel powerless.
Gusto ko yakapin ang mga kaibigan kong nagluluksa sa pagkawala ni Popo. Gusto kong magawan ng paraan na mabago ang pag-iisip ng mga magulang ko, ng mga tao sa paligid ko, tungkol sa mga nangyayari sa lipunan. Gusto kong maging produktibo sa trabaho at pag-aaral. Pero lahat nang 'yon ay hindi ko magawa dahil sa pandemya, dahil sa init, dahil natatalo ako ng lungkot na mabigat sa pakiramdam. Yung tipong bigat na hindi nagpapagalaw sa'yo para makabangon mula sa kama.
Powerless.