I know, sobrang innovative ng title ng post na ito. I kinda spent a minute on it just to make it sound right.
May mga sandali talaga na mapapatigil ka ng ilang minuto para lang ipaalala sa sarili mo lahat ng kagaguhang nararamdaman at ginagawa mo ngayon. Tipong hearbroken ka na nga dahil hindi ka crush ng crush mo, tapos may crush pa siyang iba. Kahit may mga oras pa rin na feeling mo ispesyal ka para sa kanya, patuloy mong ipapaalala sa sarili mo na magkaibigan lang kayo. Nakakaawa at masakit at the same time. Idagdag pa diyan ang walang katapusang pagtambak ng trabaho left, right and center. Tapos minsan, yung mga simpleng kamalasan tulad ng pag-ayaw ng cellphone mong mag-alarm isang umaga. Okay lang sana kung ang tanging consequence lang nun ay malalate ka sa klase, but wait there's more - zero na ang paper report na pinaghirapan mong tapusin, naka-miss ka ng isang quiz at zero pa ang lab performance mo on that day. At ang pinakahuli, ang college course crisis na tatlong taon mo nang pinagdadaanan. Hanggang ngayon, sa tuwing maririnig mo ang katagang "shift," nanginginig pa rin ang kalamnan mo kasabay ng pag-blackout ng iyong pag-iisip. Joke lang, ang OA na.
Pagkatapos mong mag-reflect sa mga kamaliang nagaganap sa buhay mo, mapag-dedesisyunan mong isulat siya sa blog mo. Tapos itatanong mo sa sarili mo, "so, anong nagawa ng pagsusulat kong ito?" Alam na alam mo sa sarili mo na ang sagot ay wala. Kasi pagkatapos nito, heartbroken ka pa rin, malas ka pa rin, at makikita mo pa rin sa files mo ang nga hindi tapos na reports, poster design, event proposal, schedule of meetings at exams.
So anong magandang solusyon? Pakamatay na! Hindi ka naman magiging kawalan sa mahigit na anim na bilyong taong naglalakad sa mundong ibabaw ngayon. CHERET. Biro lang, excuse me I'm more than this. Istrong ako.
No comments:
Post a Comment