Tuesday, May 1, 2012

Your argument is invalid

Paano ka sasagot sa nanay mo 'pag nagsimula ka nang makipag-away at gagantihan ka ng: "Palibhasa hindi mo alam kung anong hirap ng pagpapalaki sa'yo! Kahit nagtatrabaho ako inaalagan kita.......Hindi mo alam yung hirap nung gabing pinanganak kita sa ilalim ng puno ng mangga, kasabay ng pag-ire ko ang kulog at kidlat na nagmumula sa nagngingitngit na kalangitan. Kami lamang ng ama mo nung gabing iyon; baha na ang mga lansangan kaya't hindi na nagawa ng tricycle ng tatay mong itawid ako patungo sa health center.....okay, walang nangyaring ganyan.

Pero wtf, ang lakas maka-change topic.

1 comment:

  1. Okay... Medyo natawa ako hindi ko maintindihan kung totoo or hindi =))

    Lol typical mother thing. Pag galit, everything around them becomes a justification for why you're wrong.

    ReplyDelete