Oo, hahabol pa ako sa mga romantic posts na 'yan, may tatlong araw pa naman bago matapos ang buwan na 'to eh. Tiaka wala namang maling panahon para sa pag-ibig eh. Sabi nga nila, love is blind. Haha sige tanggapin niyo na lang please
Ang susunod na mga salita ay bunga sa pagka-inspire ko sa post ng aking pretty friend, si Pauline. Kaya ako nagtatagalog ngayon. Actually sadyang inggitero at gaya-gaya lang ako kaya gagawin ko ito.
Ang gusto kong love ay yung...
...hindi demanding. Sino ba naman ang gusto sa nakakasakal na relationship. Haha pucha hindi ako makapaniwalang gagawin ko ito. Pero teenage boy naman ako kaya katanggap-tanggap naman siguro.
...masaya kausap. Hindi lang basta masaya, yung nakakabaliw na kaligayahan. Yung parehas lang kayong sabaw. Yung puro kasabawan lang yung gagawin niyo 'pag lalabas kayo.
...marunong magseryoso. Syempre hindi naman pwedeng sabaw lang kayo forever, kasi wala kayong kinabukasan 'pag ganon. Gusto ko yung pwede ako mag-share ng deep thoughts ko, kasi syempre deep rin naman akong tao. Tiaka syempre dapat two-way, sana siya rin mag-share. Mahirap kasi na ako lang yung nagsasalita, baka kung ano isipin ng iba.
...masaya na sa mga simpleng bagay. Kasi mahirap lang ako, at hindi ko kayang magbigay ng mamahaling mga bagay lagi. HAHAHAHA selfish kasi itong part na 'to.
Actually yun lang. Ang hirap pala mag-isip, ayoko na. Happy Valentine's... Month.
Gaya gaya ka!! Pero ayos lang kasi IC rep ka naman :)))
ReplyDeletehindi ka ba nafflatter na ginagaya ka ng isang katulad ko? /:)
Deleteganito talaga yata 'pag nananalo sa eleksyon. lumalaki ang ego =))