... eventually. Baka totoo nga naman yung metaphor na madalas ginagamit - carbon turns into diamond through lots of pressure and stress, just like people. Oo, ako yung carbon 'tas magiging diamond ako sa huli. Ewan, baka lang naman, positive thinking. Kasi ngayong iniisip ko, bakit ko hinahayaan yung sarili kong tanggapin lahat ng trabahong ito na sa una pa lang naman ay tinanggihan ko na. Pangalawa, masama na kung masama, pero kung tutuusin, wala naman itong balik sa akin, kundi yung bullshit na "fulfillment." Oo, kailangan ko ng fulfillment, pero sana sa undergraduate course at magiging career ko, hindi yung sa mga gawain na ultimately ang tanging pabuya lang ay pampaganda ng resume... tiaka nga daw, "fulfillment."
Actually nagrarant lang ako. Pero kahit ano namang pag-iisip na gagawin ko, hindi pa rin naman hihinto ang mundo para makinig sa problema at mga kaartehan ko sa buhay. Katulad ngayon, in 30 minutes, kakain na ako. In one hour, maliligo na ako. At in two hours, (assuming na hindi ako malalate ng 20 minutes, kagaya ng um, lahat ng mga nakaraang araw) nasa MS 220 class na naman ako ni Ma'am McGlone na maaari kong maging thesis adviser.
Kaya nga naisip ko, na baka nga maging diamond din ako sa huli. You know, hard. Haha iba pala yun. Pero sabi nila, experience 'yan. Sabi nila. Pero lahat naman ng bagay na napagdaanan natin, stressful man o hindi ay experience lahat. Next time, kung irarason niyo 'yan sa akin, sabihin niyo naman kung good o bad experience, lagyan niyo ng adjective. Hindi sapat yung noun lang.
Wala na akong sense 'no? Haha gutom na ako eh. Tangina sana matapos na 'tong experience na ito.
No comments:
Post a Comment