Sa takbo ng pag-aaral ko ngayon, hindi ko talaga maiwasang mag-isip ng mga posible kong tahaking career sakaling maging sobrang bigo na ako bilang college student, o di kaya'y sobrang mabwisit na ako sa inaaral ko. Hindi ko alam, pero malakas ang feeling kong darating ako sa alinmang sitwasyon diyan, konting panahon na lang.
Kaya ngayong inumaga na naman ako sa pagsstruggle kong matulog, sinubukan kong ilista ang mga maari kong pasuking karera para lang mapangalagaan ko ang kinabukasan ko:
1. Maging call center agent. Punyeta ilang oras na akong nakahiga at nakapikit, di pa rin dumarating ang antok ko eh. Might as well pagkakitaan ko na lang yung pagkasira ng body clock ko.
2. Maging housemate ni Kuya. O di kaya'y gumawa ng sex scandal. Anything para maging artista. Uso naman yan ngayon eh.
3. Maging rapper, o kaya DJ. Promise, pangarap ko talaga ito. Naghihintay na lang ako pagkalooban ng talent ng Panginoon.
4. Tumakbo bilang kagawad sa baranggay namin. Hindi naman kailangan masyado ng utak.
5. Magtulak ng droga. Eto feeling ko bagay sa looks ko 'to eh.
6. Magbenta ng kidney, ideposit sa bangko ang pera. Feeling ko dapat pinag-iisipan ko na 'to, para pagtanda ko malaki-laki na ang naipon ng pera ko.
7. Magbenta ng laman. Php 100 isang putok.
8. Mang-akit ng matandang mayaman na malapit nang mamatay. Lalaki man o babae, papatusin ko na.
At least, if all else fails I have eight career options to consider. Ninth na lang siguro yung pagpapakatino sa pag-aaral at subuking bawiin yung mga mababang grades ng mga nakaraang semestre. Sige pa Justin ihuli mo pa 'yan. Hnnngghhh
Bet ko yung 5. BREAKING BAAAAAD! Tutal chem ka naman di ba? HAHAHA
ReplyDeleteMah frieeeend >:(< Hindi pa ito ang katapusan ng list. Tara, ice cream tayo while we ponder the rest of them. >:D<