Dati, 'pag sinabing 20 years old na ang isang tao, dalawang adjectives kaagad ang pumapasok sa utak ko: "matanda" at "mature". Ngayong sumampa na rin ako sa 20, parang yung unang adjective na lang ang pwede kong magamit sa sarili ko. Bakit ganon? Akala ko magically magiging mature ka na lang kapag dalawang dekada ka nang nakatira sa mundo. Na sa loob ng isang taon na 19 years old ako, matututunan ko lahat ng mga bagay na may kinalaman sa maturity, para pag naging 20 na ako, maitataguyod na ako ng maturity ko sa mga susunod na taon.
Pero hindi pala. Kasi sinalubong ko yung birhtday ko ngayong taon na nagca-cram ng isang 10-page paper. Parang walang masyadong maturity dun.
Oh well. Pumasa naman na ako ng Chem 112 so wala pa akong dahilan para magdrama.
No comments:
Post a Comment