Saturday, March 30, 2013

Isang depressing na post tungkol sa pagkakaroon ng "crush"

"Do you catch a breath when I look at you? Are you holding back like the way I do? ‘Cause I've tried and tried to walk away But I know this crush ain’t going away-ay-ay Going away-ay-ay" 

Haha kanta 'yan ni David Archuleta, yung "Crush." Na-feel ko lang na ilagay siya pang-intro kasi relevant siya sa post na 'to. 

Nakakatuwa kaya magka-crush. Tipong makikita mo lang si crush sa corridor tapos buo na araw mo, sobrang GV mo na all day na hindi mo magagawang makatulog sa Chem 123 kasi iisipin mo lang siya buong period. Disclaimer: Kathang-isip lang yang example na 'yan, hehe. Pero at the end of the day, maiisip mo rin na nakakalungkot din yung crush crush na 'yan 'pag narerealize mong one-way lang yung daloy ng feelings at walang pag-asang mamunga ng kahit ano yung kung ano mang kalandiang nararamdaman mo. Tipong:

1. OMG online siya sa facebook. Tapos online ka rin. (Kilegz) Tapos kasabay nun ay online din ang 142 na friends mo. Tapos kahit ano pang titig mo sa pangalan niya sa sidebar ay hindi mo rin naman kayang magkaroon ng lakas na loob para makipag-chat sa kanya.

2. OMG finavorite niya tweet mo. Pero finafavorite din naman niya yung tweets ng mutual friends niyo.

3. Ililike mo yung picture niya tapos kikiligin ka. Tapos ililike din yun ng 37 other friends niya. Tapos malulunod na lang sa dagat ng notifications yung paglilike mo sa picture na yon.

4. Tatambay ka sa pag-asang nandun siya. (tangina sana wala akong orgmate na nakakabasa nito) Tapos 'pag nandun naman siya, di mo naman kakausapin. Hindi mo nga rin kayang tabihan eh.

5. Sasama ka sa dinner sa Philcoa o Katipunan kapag kasama siya. Again, hindi mo rin naman siya magagawang kausapin. Hanggang pasulyap-sulyap lang (Haha drama poge)

6. Automatic kilig na kaagad 'pag nakita mo sa inbox mo na ang new message ay galing kay *Ate...*. Tapos magtatanong lang naman siya tungkol sa trabaho. Pero bakit ba, nakakakilig pa rin na may pangalan niya sa inbox mo.

7. Tapos yung mga mas nakakadepress pang bagay tulad ng magl-look forward kang makakasama mo siya papuntang Marikina isang Sunday, only to find out na hindi pala siya pwede. Haha medyo nakakapulbos lang ng puso at damdamin.

I could go on and on kaya lang medyo nanlalabo na yung mata ko dahil sa luha na dulot ng pait at kirot na aking nadarama. Teka brb ibabaon ko lang mukha ko sa unan ko at magbubuhos ng hinanakit sa mundo.

Kunwari nag-uumapaw sa sense at intellect itong post na 'to

1 comment: